Pages

Monday, September 13, 2010

Day 13 ~ People you miss the most

[ika-15 ng Pebrero taong 2005] 
(mula sa ating lumang Friendster)


tadhana ang naglapit satin
no'ng una'y di ko klan naisip na ito'y mangyayari
lahat ng sakit na nadama ko sa pagkasira ng dating samahan
alam ko na ngayon na sulit ang lahat
kng hndi ko pa man nasabi ito
sana alam nyo na masaya ako na kayo ang kasama ko

apat na taon na ang lumipas

d man sa lahat ng oras na un mgkasama na tyo,
parang higit pa ang pinagsamahan natin
at ngayon na konti na lng ang panahong natitira
lubos na nalulungkot ang puso ko
d ko pa rin maisip kung paano na kung wla kyo sa tabi ko
makakayanan ko kya?
pro khit ano pa man ang gawin,
kinakailangang magpaalam
kaya bago pa man dumating ang oras na un,
nais kong magpasalamat
slamat sa pagtanggap,sa pag-ibig,
sa pag-iintindi,sa pag-aalaga,sa lahat lahat
la na akong iba pang sa2bhn pa kundi...mahal ko kayong talaga..


[limang taong nakalipas...]


Sa aking pinakamamahal na barkada:


Ako ay tunay na nangungulila sa inyo. Kay tagal na na panahon ang nakalipas ng tayo'y huling nagkasama-sama. Sa ngayon, talagang mahirap na para sa'tin ang magkatagpo dahil tila magkakalayo na ang ating mga buhay.. Iba-iba ang pinagkakaabalahan, sa iba't-iba at magkakalayong lugar. Kay sarap balikan noong mga simpleng araw sa hayskul. Mga araw na tayong lahat ay laging magkakasama. Maraming alaala and dumadaloy sa aking isp.. mga panahong puno ng katatawanan, pagbibiruan, paglalaro, kwentuhan, kainan (maraming kainan), at ang paboritong kababuyan... Ang mga ito ang bumubuo ng ating pagkakaibigan. Pero higit pa riyan ay ang pagmamahal at pagkakalinga sa isa't isa. Kahit pa na maraming taon na ang nakalipas mula hayskul, alam ko na iyon ay di pa rin nagababago. Ilang kaibigan pa man ang pumasok at umalis sa aking buhay, alam ko na ang CROAGS ay nandyan pa rin. Kahit na paminsan-minsan na lang tayo magkasama-sama at kalimitan ay sandali lang ang ating pagkikita-kita, kailan man di mawawala ang pinag-iingatang pagkakaibigan. Pagkat iyon ay pangakong panghabang-buhay.


Kaya ako man ay nangungulila, mayroong kapanatagan sa aking puso. Dahil alam ko na di kailanman magiging sagabal ang paglipas ng panahon o ang distansya ng kinaroroonan sa ating samahan. Kahit nasaan man kayo, laging isipin na ako lamang ay narito sa kabilang banda, patuloy na nagmamahal at sadyang naghihintay sa susunod nating pagkikita...


Sabik na umaasang makasama kayong muli,
~Banini.Vange.Vanie.Evangeline.Abela~


ps: Mahal na mahal ko kayo. 


 ~We belong together...~
Day 13 of 30 Letters in 30 Days

No comments:

Post a Comment